GENERAL TRIAS MUNICIPAL HIGH SCHOOL

Class ' 74 - ' 75

Silver Anniversary

General Trias Sports Complex

General Trias, Cavite,Philippines

January 13, 2001

Ganito Kami Ngayon  

By: Virgil Saliba

Pagkatapos ng mahabang preparation na ginawa ng tropa sa Pinas ng GTMHS Batch ''75 na pinangungunahan nina Merlinda Portugal, Dorie Lucay, Cynthia Villanueva,Vangie Culapan gamit ang sasakyan ni Lita Pagkaliwanggan na halos ilang linggo na tumutungo hanggang sa pinakamalayo baryo ng Elang at Manggahan para halubkubin ang mga graduates ng GTMHS Batch ' 75 ay gayon din ang preparation ng ginagawa ng tropa dito sa U.S. na pinangungunahan nina Armin Grepo, Noel Atajar, Samson Armado, Esper Lozares Ancayan, at nacontact din sina Norma Porteria,Lourdes Sison, Arthur Jocson, Nelia Angkico, Dottie Ramos, Sollie Dulce, Lyn Closas, Flor Rios,Elino Morena, Leovy Simpelo, Joanna Moncera, Liza Brosas at si Menchie Broas na nasa Poland para sa tulong at ambagan upang maisatupad ang Grand Reunion sa Pilipinas ngunit sina Marchie Batuhan, Tess Sangria,Cynthia Granados, Angie Dulce at Virgil Saliba ang nakauwi sa Pinas.

 

January 11,2001 naging abala rin ang tropa sa pamimili sa ShoeMart Bacoor ng mga ibat ibang mga pang give away, dilata at pagkain para sa prizes na ipamimigay, pagkatapos mamili ay naging busy rin sila sa pagbabalot ng mga ito na inabot narin ng hatinggabi sa bahay nina Cynthia Granados, ang mga T- shirt ay naipamigay na rin kaya't umpisahan na natin ang celebration ng ating Grand Reunion. "Kaya GTMHS Batch of 75 game na ba kayo?

 

Around 07:30 AM at General Trias Parish Church, habang naghihintay sa misa at nagtitipon ang mga classmates natin ay di mapuknat ang mga chikahan ng mga ito na pawang excited na rin malaman ang mga naging buhay ng mga ito. Nakakatuwang pagmasdan at talagang ibang iba na ang mga itsura pagkatapos ba naman ng 25 limang taon. Naku ha, "Bato bato sa langit, Ang tamaa'y huwag magalit" joke! joke! lang po. Ang iba dati rati ay payat ngayon ay Medium, meron ay Large at meron pang XL at XXL. "Kaya next time damihan natin ng order ng XL at XXL na T shirt" Meron ay umitim, meron ay pumuti, ang iba ay bawas na ang ngipin at ang iba ay manipis na rin ang buhok. Meron din naman namaintain ang kanilang figures tulad nina Myra Sangalang, Cynthia Villanueva at kagwapuhan nina Armando Madlangbayan, Armando Simpan, Nestor Candela at Rodelio Alcaraz. Naroon na makikita mo ang chikahan nina Normita Leuterio, Teresita Genuino na hawak ang kanyang solong anak, si Lilia Porto, Teresita Colos, Irene Mirasol, Amy Iruguin at Virgie Cideria na kinukuwento niya ang kanyang karanasan bilang isang teacher sa General Trias Memorial at pagtuturo at tigas ng mga ulo ngayon ng mga Grade I students. Ibang iba ang mga bata ngayon ikumpara sa mga bata noon. Naroon din si Melchor Nabata, Loselito Hernandez, Rey Mota, Teofilo Oguan,Antonio Simpan, Reymundo Porto, Udie delos Reyes, Dominga Collantes at Isagani Jocson kasama at kanyang wife na si Linda na nagkukuwento sa Hotel na kanyang pinagtatrabahuhan at ganda ng kanyang pamumuhay sa Hawaii. Naroon din Cristy Porto at Socorro Dakis ay nagkukwentuhan tungkol sa kanyang anak na nagkacollege.

 

Mga 8:00 AM :Pumasok na ang mga magaaral sa loob ng simbahan. At habang naghihintay sa pari, makikita mo ang mga ngiti at hapalpakan ng bawat isa at naging mistulang palengke ang loob ng simbahan dahil sa ka excitedan ng lahat, Di namin napansin na ganong kaingay kami kung kayat kami ay nasermonan ng ating pari ... "Pasensiya na po... Tagal po kasi kaming di nagkita Father!" Si Bernard ang nagbasa ng "Salita ng Diyos" at ang nag offer ng wine ay sina Nenita Feranil at Ma. Theresa Simpelo, sa Ostiya naman sina Robert Poniente at May Salvanera, at sa candles sina Rey Porto at Dominga Collantes. Naroon din sina Cynthia Villanueva, Dorie Lucay, lilibeth Buhain at Socorro Dakis para sa collection ng mga donations. "Naku! ha...... May at Ma. Theresa huling huli kayo ng camera na nag exit kayong bigla at di na hinintay ang mga kasama para lumuhod ng sabay sabay sa altar" Tapos ng pag aalay, ay umawit ng Ama Namin at nagbatian ang lahat. Pagkatapos ng Communion ay nagbendisyon ang pari para sa lahat. Di pa man natatapos ang bendisyon sa huli ay naguupisa na naman dumagundong ang nabubuong ingay at nagmamadaling lumabas ng simbahan para ipagpatuloy ang naudlot na chikahan.

 

Mga around 9:00 AM nag Motorcade na ang Batch '75, na nilagyan ng white balloon ang bawat rides, may coche , motorsiklo, at owner na kasali. "Thanks, to Leonida Magat for providing ride with us and to May Salvanera" Daang prusisyon na nagmula sa Sampalucan puntang Tarique, daang San Gabriel tungo ng Vibora hanggang Arnaldo patungong Sport Complex sa San Juan. Kasama din namin ang St. Francis Band na pinamumunuan ni Omie Grepo na tumugtog ng "Oh! ang babae kapag minamahal, Huwag mong suyuin ay aayaw ayaw" at ang Emergency Van ng Barangay San Juan sakay ang ilang classmates natin. Matatanaw mo ang malaking banner "WELCOME, GTMHS BATCH '75 GRAND REUNION" compliments ni Councilor Jango Grepo, Salamat Jango!!!

 

Dumating kami ng 9:30AM sa General Trias Sports Complex, dito di na palengke ang naganap kundi mistulang perya na, para mga batang Grade I na ang makikita mo. continuation ng mga chikahan, batian, balitaan, habang nag register ang bawat isa, naroon ang mga Welcome committees na sina Merlinda, Dory, Amy, Lita, Vangie at Virgie. Makikita mo sina Rosalina Satsatin, Elisa Lorente na maikli na ang buhok, Abraham Cenita, Rey Ferrer, Virgilio Reynante, ang magulong Irene Barcena, Narcilita Gozo, Anacita Fortuno, Calixto Jacobo at si Socorro Bobadilla na naka mini skirt na suot tulad pa rin High School days natin. Pagkatapos magsiupo ang lahat ay tumugtog ang St. Francis Band para sa Homecoming Songs at sinundan ng Bday Song. "Happy Birthday!!!! Angie Dulce at Kumpareng Ben Arsenal"

 

Nagkaroon ng section grouping at ang Section Gold ay 16 ang nakadalo ito ay sina Socorro Dakis-Bustamante,Lilia Porto-Nato,Gertrudes Tapawan-Iso,Edna Manalang-Pugeda,Crisanto Poblete,Reymundo Porto,Ramon Lubang,Celso Clerigo,Eder Cubol,Cynthia Villanueva-Mopia,Bernardo Fernando,Dante Simpelo, Tessie Sangria-Poblete, Marcial Batuhan, Cristina Porto, Angeles Dulce.

 

Ang Section Jade ay 26 sila ay sinaVirginia Cideria-Aquino,Edelmira Cubol,Nemecio de la Cruz,Emma Muralla,Rosalina Satsatin,Anacita Fortuno,Virgilio Reynante,Isagani Jocson,Hermuel Simpelo,Reynaldo Ferrer,Luzviminda Rojas,Zenaida Descalso,Romeo Grepo,Nicomedez Gozo,Domingo Primero,Armando Esguerra,Benito Reynante,Manuel Nabata,Gabriel Simpelo,Erano Saquilayan,Emelina Pernala,Elenita Quietzon,Elvira Descalso,Melchor Nabata,Ruperto De Guzman,Amelina Iruguin,Bayani Arsenal.

 

Ang Section Opal attendance ay 26 Mayvilyn Salvanera,Joselito Hernandez,Irma Ignaco,Sylvia Colocado-delos Angeles,Petronilo Santiaguel ,Carmelita Sarique,Marites Simpelo-Punongbayan,Elisa Portales,Abraham Cenita,Felisa Brosas,Reynaldo Mota,Rogelio Calle,Rodelio Alcaraz,Antonio Clamor,Armando Simpan,Nestor Candela,Jose Freddie Loyola,Joven Reynante,Teodora Lucay-Arsenal,Victor Parin,Agustina Torres,Teresita Colos,Guillermo Leano,Cayetano Iso,Merlinda Portugal-Grepo at Virgilio Saliba.

 

Ang Section Pearl ay mayroon 15 attendies sina Myra Sangalang, Ayrene Mirasol,Lilibeth Buhain,Narcelita Gozo,Nenita Feranil,Irene Barcena,Calixto Jacobo,Mario Madlangbayan,Rolando Montoya,Rodolfo delos Reyes,Leonardo Ascano,Benjamin Arsenal,Anastacio Alcantara,Roberto Poniente at Eduardo Dulce.

 

Section Ruby has 14 ito ay sina Merlina Collantes,Bayani Ricafrente,Celia de Guzman, Armando Madlangbayan, Socorro Bobadilla,Ernesto Arcilla,Beatriz Barbuco,Prescilla Praganan,Nora Almeria,Trinidad Primero, Noel Cervantes,Teresita Genuino,Rolando Parin at Roberto Ramos.

 

Ang section Topas ay mayroon 15 ito ay sina Dominga Collantes,Felita dela Cruz ,Amalia Tabua ,Leonida Magat,Jovita Guyamin,Leonora Madlangbayan,Zenaida Rivera,Ramon Punongbayan,Rogelio Andres,Emegildo Broas, Teofilo Oguan,Danilo Buri ,Glicerio Nato ,Olivia Roque,Normita Leuterio,Cesario Aspuria,Evangeline Culapan. Omero Santillan,Mario Sipat ,Benito Ronquillo,Diomedes Casor at Gerardo Colocado.

 

Sinundan ng Invocation headed by our own emcee na si Ramon Lubang at ang National Anthem headed by Mrs. Virgie Cideria Aquino. There is also a "Moment of Silence" para sa ating mga classmates (Connie Barrion,Mila Nocon,Rosalino Parin,Eduardo de Mesa,Marcelino Santiago,Isagani Legaspi,Josefina Sidocon,Anita Arcilla,Dorotea Nocon at mga teachers natin na sina (Mr. Rezare, Mrs. Rillo at Mrs. Paderangga) na pumanaw na pinamumuan din ni Mon Lubang. Marcial Batuhan made his short speech for welcome address in placed of Dante Simpelo.

 

Nagkaroon din ng grouping at pinaghalo halo ang lahat ng sections as a team para sa Parlor Games. "Sabi nila.... Pangit daw ang KJ!" kaya lahat dapat makisali....Unang Laro ang "Samson, Delilah and the Lion" sa Group A ay sina Cynthia, Irene, Cris, Dorie at Ernesto Arcilla, sa Group B ay sina May, Achie, Abraham,Felisa Brosas at Victor Parin. .. Panalo ang Group B after several round na natalo ni Delilah si Samson.... Another set of Group para sa Games na Samson and Delilah ay sina Nenita Feranil, Narcilita Gozo,Lita Pagkaliwangan, Socorro at Nora Almeria sa Group C at sa Group D ay sina Delmi, Irene Mirasol, Lita Arandia,Noel Cervantes at Virgil Saliba. Our group won this game with matching graceful and poise ng aming mga members....

"Singko!!, Dyes!!, Kinse!!, Piso!... Piso!... Piso! " ang games ng mga nagma machuhan na pinamumunuan nina Bennie Reynante, Rey Porto, Rey Ferrer,Odie delos Reyes,Roberto Ramos,Dante Lunes at Ben Ronquillo. And the winners ay sina Nestor Candela,Omer Santillan, Omie Grepo at Bayani Ricafrente...... Nagkaroon din ng Stop Dance pero halos di naman kumikilos ang mga girls...at mukhang matigas na ang mga hips ng mga ito. "Naku! ano yan mga Girls!? Nasaan na ang balakang ni Luningning?"......Naroon at nagpaparticipate sina Irma, Zenaida,Thelma,Myra,Emma Muralla,Luz,Tuding,Tessie Colos,Normita,Sylvia,Socorro D., Eder,Edna ar Virgie...sorry... di ko nakita kung sino ag nag win sa game na ito... heehhehehehhe!!!!!

 

Lunch time ng mga 12:00 at nakapila na ang ang tropa para sa Lunch Time. Filipiniana style buffet ang presentation. . Thanks sa committees na naghanda at nag arrange ng reception. Sarap ng pagkain!!!!.. Salamat Bernard sa pag aasikaso nito. Sabay chibugan at chikahan at makikita mo na nag eenjoy ang lahat sa ilang oras na pagsasama ay muling nagkaroon ng bonding ang lahat. Naroon sa isang table sina Dante Simpelo, Tessie Sangria, Lilia Porto, Cristy Porto, Cynthia Granados,Angie Dulce, Vangie Culapan, Dorie Lucay at Mayvilyn Salvanera na ipinapakita ang mga pictures na kuha sa Monterey, Ca. sa amin Mini Reunion noon, naroon sa isang sulok ang tropa ng mga nagiinuman at nagtatagayan na sina Ramon Punongbayan, Dante Lunes, Abrahan Bobadila, Rey Mota,Armando Simpan, Rodelio Alcaraz, Anastacio Alcantara, Cayetano Iso kasama ang councilor na si Jango Grepo.

 

Nagsimula na si Ramon para sa Part II ng programme at unang niyang binasa ang sulat mula kay Soledad Dulce ng Long Beach na bumabati sa lahat ng kanyang ka batch sa High School. Pumanhik naman si Dante Simpelo para magbigay ng short message at greetings at nagpasalamat sa lahat ng different committees. Sinundin din ng isang mensahe mula sa ating councilor na si Jango Grepo. Si Manny Nabata ay binigyan din ng award sa pagtulong sa pagbubuo ng Class Reunion at ikinuwento ang kanya late episode ng kanyang lovelife sa pinamagatang "Isang Linggong Pag-ibig"

Naku! Manny muntik ka ng ma late kasi kaalis lang ng Misis mo or else nakasama sa bachelor lists...Lita Pagkaliwanggan, Dory Lucay, Cynthia Villanueva, Vangie Culapan, Merlinda Portugal at Angelito Leano also received an awards sa kanilang unselfish supports upang maging successful ang ating Reunion..."Salamat, Salamat sa inyong lahat" Sa susunod ulit same crew, Ok ba!

 

Tinawag at pumanhik ang tropang Bachelors na sina Celso Clerigo,Gerry Colocado, Robert Poniente, Petronilo Santiaguel, Joselito Hernandez, Roger Calle, Abraham Cenita and yours truly. Pumanhik din ang still a "Single Woman na si Carmelita Sarique." "Ganito Kami Noon" naman ang isulat at binasa ko sa ating Class Reunion pero bago pa magsimula ay ipina awit ko muna kay Mayvilyn Salvanera ang song na "The Way We Were" na siya ating Singing Champion... Naku! May... Ano ang nangyari sa singing career mo? di mo na maabot ang high notes!

 

"Gaano mo kakilala si Mr at Misis" and Mr. and Mrs Virgilio Reynante won the said game. Irma Ignaco and Benny Reynante also won sa ginagaya nilang tilaok ng Manok,tahol ng Aso at Pusang naglalampungan. Other participants at magteam na Amy Iruguin/Melchor Nabata, Dante Lunes/Myra Sangalang, Nicomedez Gozo/Felisa Brosas....Sa "Pahabaan Games" ang Team B ang nanalo ito ay ang pinagpapawisang sina Normie Leuterio,Elenita Quietson,Zenaida Descalso,Julita Arandia,Delmie Cubol,Rey Mota Teofilo Oguan at May Salvanera. Akala ko mag aalis ng pantalon si Rey Mota eh! di kapa lasing ano Rey? Hoy Cris Poblete naglalabasan ang mga dadaanin mong pera...ilang libo ba yan lol! bantayan baka mamating ang mga iyan....hehhehe! Si Anacita Fortuno at Ma. Theresa Simpelo ang mabilis na nakapagsuot ng Condom sa Talong kasama rin sa game na ito si Emma Muralla,Myra Sangalang,Sylvia Colocado, Luz Rojas..... Naku!!!Nora Almeria you got a small size na condom kaya di mo maisuot yan sa talong ano? hehehehehhe!!!! Naroon din ang paligsahan ng sayawan ng mga Goin Bulilit anak ng ating mga classmates. Congratulation sa anak ni Zenaida Rivera . Kaya pala mahusay ang anak ay mahusay din sumayaw ang nanay may pinagmanahan!!!....

"Meron o Wala" kasama sina Fely, Angie, Cristy. Achie, Tuding, Vir, Olive at Dante....Olive may suot ka bang panty o wala... sigawan ang audience ng Wala! Wala!.....Sumunod ang short message from Bernard Fernando at ikinuwento ang mga meeting, pagbubuo ng reunion at pondo about the upcoming reunion.... Bernard... Saludo ako sa iyo at huwag madadala sa susunod na reunion natin!... Ramon handed me a gift na galing sa tropa..

Naku!!!! Mon...Maliit ang size ng brief para sa akin hehehe at yong toys naku ha! talaga kayo paglaruan daw ako!!!!

Thelma Lubang won Bread Toaster, Celso Clerigo won Rice Dispenser and Julita Pagkaliwangan won $50.00.

 

"Ganito Kami Ngayon", pagkatapos ng 25 limang taon si Dante Simpelo ay naging Kapitan sa Barko, si Nelia Angkico ay isa ng Pediatrician, si Marissa Broas ay RN at isang Dentista at naninirahan sa Poland , US Navy naman si Marvin Medina at Armin Grepo, Med/Surg Nurse si Dottie Ramos at Tessie Sangria at Operating Nurse si Cynthia Granados sa San Francisco Ca., at si Virgil Saliba ay Psychiatric Nurse sa San Diego, si Esper Lozares ay nagwowork sa isang malaking company ng Pacific Bell gayon din si Marcial Batuhan sa Cisco Co. Ilang lamang ito sa mga successful alumnas ng GTMHS Batch of 75.

 

Nakakatuwa at ang sarap ng feelings na again makasama na ilang ang mga taong naging bahagi ng ating buhay. Sana sa darating na Class Reunion sa January 07 muli nating bigyan ng maraming kulay ito. Babye! at magkita kita tayong muli sa Pinas sa isa pang kabanata ng Ganito Kami Ngayon Part II.

 

Virgil Saliba

GTMHS Class of '75